May dalawang magkaibigan si Liza at Arnel, sila ay naglalaro, sa kanilang katuwan napadpad sila sa may gilid ng ilog malayo sa mga bahay. Nagtatawanan, nagsasayawan, nagkakantahan hanggang sa napagod sila ay kumain at umakyat sa puno ng mangga, hindi nila napansin na dumudilim na. Ngunit wiling wili sila kaya, ginabi hanggang sa nakarinig sila ng alulong ng aso sabay umihip ang hangin, nagtinginan ang dalawa... sabay sumigaw.... takbo, bilis, takbo.
Mula sa ating kwento nabibigkas ang mga nagawa o ginawa nina Liza at Arnel (ito ay mga salitang nasa kulay asul) ang tawag dito ay mga salitang pandiwa- ito ay nagsasaad ng kilos o galaw, malalaman dito ang mga ginawa ng magkaibigan.
Sa susunod na may ikikilos ka laging isiping ito ay "Pandiwa ang salitang nagsasaad ng kilos o galaw.
Mag-isip pa ng ibang salitang kilos at ito'y inyong gawin.
No comments:
Post a Comment