Sa tuwing may nawawala akong bagay lagi sumasagi sa akin si Pina, sa "Alamat ng Pinya". Ito ay tungkol sa isang batang babae na sa tuwing may pinahahanap ang kanyang nanay ay sumasagot ng "hindi ko po makita nanay, saan po ba" kung kaya't sa yamot ng kanyang ina ay winikang "sana ay magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang iyong hinahanap".
Kadalasan ay nakaklimutan natin ang mga bagay-bagay kung saan ito nakalagay, kung kaya't naiisip din natin ang tungkol sa alamat na ito. Kailangan nating isipin na kung may mga bagay tayong itinatabi ay dapat dun din natin datnan o matatagpuan, ang pag-sasaayos ng mga bagay ay makakatulong upang mas madali nating makita ang mga ito, maari nating lagyan ng pangalan o "label" upang ito ay madaling mapuna.
Kung kaya't sa susunod na may nawawala kang bagay isiping mabuti ang kinalalagyan upang hindi magaya sa sinapit ni Pina.
No comments:
Post a Comment