Thursday, February 16, 2012

Naman...

    May mga bagay na nais natin makuha tulad ng makabagong gamit, bahay, sasakyan, trabaho ngunit hindi naman ipinagkakaloob, may mga bagay na dapat mong paghirapan upang sa bandang huli ay matamis ang tagumpay. Hindi lahat ng ating nakikita ay lalapit ng wala tayong ginagawa, kung mayroon man ay agad nawawala dahil tayo ay sumuko o bumitaw.

Huwag tayong maging katulad ng isang lobo na sa layo ng binyahe at pagod ay nakakita ng taniman ng ubas, ngunit sa kasawiang palad inanatay na mahulog ang ubas, gumawa ng paraan ng pagyugyog sa kawayan na ginagapangan ng ubas, at tumalon talon, kaya lang sumuko din sa bandang huli at sinabing "di bale maasim naman ang ubas na iyan".
     Ang dulo ng paglalakbay ay mararating kung ito ay tinatyagang abutin at paghirapan, ang pag-aaral ay mahalaga upang makamit ang pangarap... wag nating sabihing "di bale na lang..."Maging positibo tayo at manalig sa Diyos at tayo ay kanyang tutulungan.

2 comments: